TISYA HUSTISYA – #HALALAN2022
Ano-ano ang mga kwalipikasyon upang maging Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas?
1. Siya ay isang natural born citizen o ipinanganak bilang isang Pilipino
2. Rehistradong botante
3. Marunong bumasa at sumulat
4. Hindi bababa sa 40 taong gulang sa araw ng halalan
5. Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng hindi bababa sa 10 taon sa araw ng halalan
Section 2, Article VII, Philippine ConstitutionAno-ano ang mga kwalipikasyon upang maging Senador sa Pilipinas?
1. Siya ay isang natural born citizen o ipinanganak bilang isang Pilipino
2. Rehistradong botante
3. Marunong bumasa at sumulat
4. Hindi bababa sa 35 taong gulang sa araw ng halalan
5. Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng hindi bababa sa 2 taon sa araw ng halalan
Section 3, Article VI, Philippine ConstitutionAno-ano ang mga kwalipikasyon upang maging Kinatawan ng Distrito?
1. Siya ay isang natural born citizen o ipinanganak bilang isang Pilipino
2. Rehistradong botante sa lugar kung saan siya ay tumatakbo
3. Marunong bumasa at sumulat
4. Hindi bababa sa 25 taong gulang sa araw ng halalan
5. Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng hindi bababa sa 1 taon sa araw ng halalan
Section 6, Article VI, Philippine ConstitutionAno-ano ang mga kwalipikasyon upang maging Mayor at Vice Mayor?
1. Siya ay isang mamamayan ng Pilipinas
2. Rehistradong botante sa lugar kung saan siya ay tumatakbo
3. Marunong bumasa at sumulat
4. Hindi bababa sa 23 taong gulang sa araw ng halalan para sa mga Mayor at Vice Mayor ng highly urbanized cities at hindi bababa sa 21 taong gulang sa araw ng halalan para sa mga Mayor at Vice Mayor ng mga component cities at mga munisipyo
5. Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng hindi bababa sa 1 taon sa araw ng halalan
Section 39, RA 7160Ano-ano ang mga kwalipikasyon upang maging miyembro ng Sangguniang Panlungsod o Sangguniang Bayan?
1. Siya ay isang mamamayan ng Pilipinas
2. Rehistradong botante sa lugar kung saan siya ay tumatakbo
3. Marunong bumasa at sumulat
4. Hindi bababa sa 18 taong gulang sa araw ng halalan
5. Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng hindi bababa sa 1 taon sa araw ng halalan
Section 39, RA 7160
Kung may nais kang itanong tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM lang sa Tisya Hustisya page. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas LUNES – SABADO mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2PM.