Maaari bang magkapkap o maghalughog ang mga alagad ng batas alinsunod sa isang wasto at legal na pag-aresto?
Maaaring magkapkap o maghalughog ang mga alagad ng batas alinsunod sa tinatawag na “search incidental to a lawful arrest”. Ito ay ang pag kapkap, paghahanap o paghahalughog matapos ang wasto at naaayon sa batas na pag-aresto sa isang tao, ngunit ang maaaring gawin lamang ay pagkapkap sa taong inaraseto o pagtingin sa kanyang kapaligiran kung mayroong mga nakakapinsala o ipinagbabawal na mga kagamitan na maaari niyang gamitin laban sa mga alagad ng batas.
Hindi maaaring gawin ang paghahalughog at paghahanap kung ito may malayo na sa pinangyarihan ng pag-aresto at ang lugar na ito ay wala na “immediate control” ng taong inaresto.
Kung may katanungan ka tungkol sa iyong mga karapatan o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga text hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2pm.