TISYA HUSTISYA – Oras ng Pagtatanong
Kailangan mo ba ng LIBRENG LEGAL ADVICE? Narito ang mga dapat malaman tungkol sa oras ng pagpapadala ng mensahe kay Tisya Hustiya!
1. Hanggang anong oras maaaring mag-message kay Tisya Hustisya?Ang office hours ng Tisya Hustisya Team ay mula 8:00 am hanggang 4:00 pm araw-araw maliban na lamang kung holidays, ngunit may CUT-OFF sa pagtanggap ng mensahe na hanggang 2:00 pm lamang. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga abogado na tapusin muna ang mga naunang nagtanong.
2. Hindi na ba papasok ang mensahe ko kapag lagpas 2:00 pm na? Opo, hindi na po papasok ang inyong mensahe sa system. Kailangan po ninyong mag-send ng message kinabukasan, mula 8:00 am hanggang bago mag-2:00 pm para siguradong pumasok sa system ang inyong katanungan at maka-kausap kayo ng abogado.
3. Kapag lagpas office hours na, maaari pa rin ba akong magtanong? Kapag lagpas office hours na po, hindi na papasok sa system ang inyong katanungan. Dapat po ay mula 8:00 am hanggang 2:00 pm po kayo mag-send ng katanungan.
Ngunit, maaari pa rin po kayong magpadala ng mensahe kay Tisya, at piliin lamang po sa choices ang “FAQs” upang makakuha kayo ng mga legal na kaalaman patungkol sa child support, child custody, labor concerns, online lending at iba pa. Ang FAQs po ay naglalayong sagutin ang mga katanungan na madalas isangguni kay Tisya at ito ay accessible sa lahat 24/7.