Blog

USAPANG PAG-ARESTO: TAMANG PAGPAPATUPAD NG WARRANT OF ARREST

Sa pag-aresto sa pamamagitan ng Warrant of Arrest, kailangang ipaalam sa taong inaaresto ang rason kung bakit siya ay inaaresto at na mayroong Warrant of Arrest na inisyu laban sa kanya, maliban na lamang kung siya ay biglang tumakas, marahas na lumaban bago pa masabi sa kanya o kung ang pagbibigay ng mga naturang impormasyon ay makakasagabal sa ginagawang pag-aresto.

Hindi kailangan na dala ng alagad ng batas ang Warrant of Arrest sa mismong oras ng pag-aresto, ngunit pagkatapos ng pag-aresto, at nais itong makita ng taong inaresto, kailangan itong agad na ipakita sa kanya.

Kung may katanungan ka pa tungkol dito o kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:

0953 382 6935 – Globe at TM

0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat sa ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM. Ang pag-sagot ng mga abogado ay aabot hanggang 4pm ngunit ang cut-off ng pag-send ninyo ng mga message ay 2pm.