ANO ANG VOLUNTARY PLEA OF GUILT?
Ang voluntary plea of guilt ay boluntaryong pag amin ng pagkakasala. Para magkaroon ng epekto ng isang “mitigating circumstance*” ang boluntaryong pag-amin ng pagkakasala, kailangan na ang akusado ay kusang-loob na umamin na siya ay nagkasala sa harap ng korte na may hawak sa kanyang kaso. Ang pag-amin ay dapat ding ginawa bago magprisenta ng ebidensya ang piskal.
*Ang mga “mitigating circumstances” ay mga kondisyon o sitwasyon na maaaring magpababa ng parusa o sintensiya ng isang akusado.
Kung kailangan mo ng libreng legal advice, mag-PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Upang magbigay daan para aming team assessement at planning, pansamantalang mahihinto ang ating live chat kasama ang mga abogado ni Tisya Hustisya simula ika-13 ng Disyembre hanggang ika-10 ng Enero, ngunit maaari pa ring ma-access ang ating Gov’t Hotline at FAQs.