Paano mag-claim ng Child Support o Sustento?
Maaaring magpatulong o sumangguni sa mga sumusunod na sangay ng pamahalaan upang manghingi ng tulong o assistance sa pag-claim ng child support:
1. Kung magka-barangay ang ama at ina ng bata, maaari silang magpatulong sa Barangay upang gumawa ng Kasunduan kung saan nakasaad kung magkano, tuwing kailan at paano ipapadala ang child support o sustento
2. Para naman sa pagpapadala ng demand letter o ang sulat na pormal na nagsasaad ng kagustuhan o hiling ng nanay ng bata na humingi ng child support, maaaring magpatulong ang ina ng bata sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o kaya naman ay sa Public Attorney’s Office (PAO) upang mapadalhan ng demand letter ang ama na hindi nagbibigay ng sustento
3. Kung matapos magpadala ng demand letter o gumawa ng kasunduan ay tumanggi pa ring magpadala ng sustento ang ama ng bata, maaaring mag-file ang ina ng Petition for Child Support, isang civil case upang makapag-demand ng child support, o kaya naman ay kaso ng economic abuse sa ilalim ng anti-VAWC Act.
Kung nais mo ring sumali sa aming FB Group, para sa libreng legal advice at para makausap ang ibang babaeng maaaring nasa parehang sitwasyon ito ang link: bit.ly/FreeLegalAdviceforWomen
Pwede ka ring mag-PM sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka at sagutin ang iyong mga katanungan!
Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.