Gender-Based Sexual Harassment
Si Amy ay nakaranas na ng sexual harassment mula sa kanyang mga katrabaho, ngunit natatakot siyang i-report ito sa kanilang HR dahil mas mataas ang posisyon ng kanyang katrabaho kaysa sa kanya, at natatakot siyang mawalan ng trabaho kung i-report man niya ito.
Tisya: Ang mga empleyado at iyong mga kasamahan sa trabaho ay may mga tungkulin upang maiwasan ang gender-based sexual harassment sa inyong lugar ng trabaho.*
a. Huwag gumawa ng anumang akto na maituturing na gender-based sexual harassment
b. Huwag konsintihin ang anumang akto ng gender-based sexual harassment
c. Sikaping magbigay ng tulong na emosyunal o social support sa mga kapwa empleyado, mga kasama sa opisina at iba pang katrabaho na naging biktima ng gender-based sexual harassment
d. I-report ang anumang akto ng gender-based sexual harassment na inyong nalaman o nasaksihan sa inyong lugar ng trabaho o opisina
Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para sagutin ang iyong mga katanungang may kinalaman sa batas.
Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.