Blog

Tisya Hustisya – Zero-Tolerance Policy

Alam mo bang ikaw ay may karapatan na makatanggap ng tulong kung ikaw ay na-harass o binastos sa lugar na bukas sa publiko?

Ang mga lugar na pribado ang pag-aari ngunit bukas sa publiko ay inaatasang mag implement ng “zero-tolerance policy” laban sa mga gender-based streets at public spaces sexual harassment. Dagdag pa rito, ang mga nasabing establisyimento ay obligadong magbigay ng tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pulis. Dapat din silang makipag-tulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng CCTV footage kung mayroon, kapag may utos ng korte. Dapat din na siguraduhing ligtas ang kanilang lugar at hikayatin ang mga biktima na mag-report kapag may naranasang gender-based sexual harassment.

Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin. Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para sagutin ang iyong mga katanungang may kinalaman sa batas.

Pwede ka ring mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun

PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.