PAANO KUMUHA NG MATERNITY LEAVE?
Narito ang sagot!
Para sa pampublikong sektor:
1. Sagutan ang Application for Leave (Civil Service Form No. 6)
2. Ihanda ang iyong Medical Certificate na nagpapatunay ng iyong pagbubuntis at nagpapakita ng tinatayang araw ng panganganak.
3. Sagutan ang Clearance Form (Civil Service Form No. 7)
4. Kung ikaw ay solo parents, ipakita rin ang iyong Solo Parent ID upang makakuha ng karagdagang 15 na araw na Maternity Leave.
Para sa pribadong sektor:
1. Siguraduhing nakapagbayad sa SSS nang hindi bababa sa tatlong beses sa loob ng isang taon bago ang panganganak.
2. Ipaalam sa iyong employer ang iyong pagbubuntis, at kung kailan ang iyong tinatayang araw ng panganganak, at ipapaalam ito ng kumpanya sa SSS ayon sa kanilang mga patakaran.
3. Tandaan na hindi maaaring dahilan ang pagkabigong ipaalam sa iyong employer ang iyong pagbubuntis upang mawalan ng maternity benefits ang isang buntis.
Kung may karagdagan ka pang katanungan tungkol dito, o kung kailangan mo ng libreng legal advice, PM ka lang sa akin! Kasama ko ang mga abogado ng IDEALS, Inc. para tulungan ka!
Pwede ka rin na mag-text sa aming mga hotline:
0953 382 6935 – Globe at TM
0951 077 4412 – Smart, TNT, at Sun
PAALALA: Ang live chat kasama ang ating mga abogado ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM.