ITIGIL ANG KARAHASAN!
Anu-ano ang kabilang sa mga krimen ng karahasan laban sa mga kababaihan at sa kanilang anak? Narito ang sagot.
Pagdudulot ng pisikal na pinsala sa babae o sa kanyang anak.
Pagbabanta na magdulot ng pinsala sa babae o sa kanyang anak.
Pagtatangkang magdulot ng pinsala sa babae o sa kanyang anak.
Paglalagay sa babae o ng kanyang anak ng takot dahil sa banta ng pisikal na pinsala.
Pamimilit sa babae o ang kanyang anak, gamit ang banta ng anumang porma ng pananakot, pwersa o karahasan, na sumali o hindi sumali sa gawaing may karapatan karapatan silang sahilan o tanggihan.
Pagdulot o pagbabanta na magdulot ng pisikal na pinsala sa sarili kung saan ang pakay ay upang magkaroon ng kontrol sa mga aksyon at desisyon ng babae.
Pagdulot o pagtangkang magdulot na maging parte ang biktima o ang kanyang anak ng mga sekswal na aktibidad na hindi saklaw ng rape, sa pamamagitan ng paggamit ng pamumwersa o banta ng pamumwersa, pisikal na pinsala, o pananakot sa babae o sa kanyang anak o sa kanilang pamilya.
Pagsali, nang may pakay, may alam, o nang walang ingat, maging sarili man o sa pamamagitan ng ibang tao, sa mga gawaing nagdudulot ng pangamba o emosyonal o sikolohikal na pagdurusa sa babae o sa kanyang anak.
Pagdudulot ng mental o emosyonal na paghihirap, pampublikong pangungutya o pamamahiya, kabilang, ngunit hindi limitado sa paulit-ulit na berbal at emosyonal na abuso, at pagkakait ng pinansyal na suporta o kustodya sa mga menor de edad o pagkakait ng paglapit sa anak ng babae.
Halaw sa: Sek. 5, RA 9262